Ilang kalbaryo pa ba ang tatawirin ko
Hanggang ikaw ay tuluyang matuto
Hindi ka marunong gumalang sa magulang
Daig ka pa ng hindi nag-aral na mangmang
Galit sa mundo ibinubunton sa ina
Na madalas malungkot sa dinurusa
Mas inaala mo pa ang ibang tao
Kaysa sa matanda mo nang inang balo
Marami na ang tiniis na dusa at hapis
Mula nang ikaw ay nagkaroon ng bagwis
Pusoy lumayo sa sariling tahanan
Pagmamahal sa ina tuluyang tinalikdan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment