Ano na ba ang usong ligawan ngayon
Nahuhuli na yata ako sa panahon
Uso pa ba ang pagbibigay ng bulaklak
At pagpapadala ng sulat na may halimuyak
Ano na ba ang usong ligawan ngayon
Nagbibigay pa ba ng tsoklateng de kahon
Nag-e-exchange pa ba ng "I love you?"
O kontento na sa mutual understanding na MU
Uso yata ay text na lamang sa sinta
Sa isang tagong lugar ay magkita
Kung ganyan ay tatanda akong dalaga
Sapagkat sa makalumang ligaw ay umaasa
by carmen herrera uy, november 10, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment