Hoy karibal
Huwag mo akong gawing almusal
Sa iyong hubad na mundo
Di ka na ba natuto?
Hoy karibal
Mamasyal ka na lamang sa karnabal
Kesa ini-ikot mo akong parang turumpo
Sa pag-nguya mo ng keso
Baliw na Sisa
Na nakasakay sa siso
Tinapon ang oso
Sinakyan ng kabayo
Tayo ang mga laruan
Masakit man ang katotohanan
Cowboy na nanghuli ng baka
Tinatakan sa pagkanta
Nilabanan ang sarili
Na nakita sa culi-culi
"Si ikaw, si ako" sabi ng prinsesa
Na nais maging dama
Dalin mo ang susi ng iyong buhay
Upang kabilang dagat ay mabaybay
Gat Jose Rizal ng ating kasaysayan
Huwag lamang kalilimutan...
carmen herrera uy...july 29, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment