Sakay na kabayan
Sa karitela kong hiram
Ako ay patungong pantalan
Upang makalimutan ang dinaramdam
Karitelsng hinihila ng isang kabayo
Na may piring ang mga mata
Upang derecho ang takbo
Patungong eskuwela
Ituring na ang pamamasyal
patungong ibayo
Ay isang pahinga
mula sa kalbaryo
Bagong mukha na dating kasintahan
Na kumislot sa isipan isang sinakulo
Nandito ako, mahal na kaibigan
Upang gabayan ka, hangang dulo
Ang buhay ay isang drama na paulit-ulit
Hangang tunay na yaman ay makamit....
by carmen herrera uy, July 26, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment