Ako ay nakahiga na sa aking kama
Nang pilit may sumuot sa aking konsensiya
Tungkol sa kalye na aking nakita
Pilit humihingi ng kanta
Taong grasa, taong grasa
Kalagayan mo aking nadarama
Laman ng kalye, gabi at umaga
Dumi sa katawan hindi alintana
Anak ay arugain nang hindi matulad sa kanya
Bahay ay ipundar habang may pera
Kailangan laging may barya sa bulsa
Nang hindi mawala, kahit saan pumunta
by carmen herrera uy, july 8, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment