Ang dating tulay na niluma ng panahon
Ay pilit bumabalik sa ala-ala ngayon
Tulay ng panaginip na nag-u-ugnay
Sa kabilang ibayo, upang sa tukso'y isuway
Oh tulay ng pag-ibig pakinggan mo ako
Ilayo ako sa kasalukuyang tukso
Pangarap na handog ng kathang-isip
Sapat nang ako sa lungkot ay isagip
by carmen herrera uy, september 22, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment