Buhay katiwala, aking niyakap
Upang hindi mabuyo sa pagpapanggap
Sa nakalulunod na kislap ng mundo
Sa Diyos ay yumuko at nag-bigkas ng "OO"
OO, aking lilingapin sa aking kandungan
Mayaman o mahirap man, ay tutulungan
Kahit salat sa pera, tunay na hiyas ipapamana
Kumpiyansa sa sarili galing sa Kanya
Kumpiyansang hindi kayang iguho
Nang katanyagan, kapangyarihan o ginto
Pagmamahal na tunay na ipadadama
Buhat sa Espirito Santo, Jesus at Ama
by carmen herrera uy, september 4, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment