Humihingi na naman ng tula ang langit
Pagbuhos ng ulan na walang paknit
Wari ko ba sa akin ay nagalit
Nang ang iyong pag-ibig ay iwinaglit
Humihingi na naman ng tula ang langit
Humahagulgul na parang paslit
Maghintay ka lamang aking sinta
Tayong dalawa ay mangarap muna
Mangarap na malaya nating masusunod
Tawag ng damdamin sa pag-irog...
by carmen herrera uy, september 16, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment